Make your own free website on Tripod.com
Rizal 002- Tagalog Version of Interpretation from Rizal 001

3915385884.jpg

I. Panimula: Sa pamamagitan ng panunuod ng pelikulang "Bayaning Third World’ ay inaasahan kong lalong lalawig ang aking kaisipan at kaalaman tungkol sa buhay at mga kontribusyon ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Lalo kong makikilala kung sino nga ba ang Dr. Jose Rizal na kilala ko na mula sa aking pagkabata. Naging idolo ng maraming Pilipino at ng iba pang lahi. Sa pamamagitan ng mga pelikulang ganito ay nakakatulong ito sa pagpapalaganap ng tunay na katauhan ni Rizal na siyang interes ng maraming tao. Sa pamamagitan din nito ay maaring makilala ko si Dr. Jose Rizal hindi lamang bilang isang bayani na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kayang bayan kundi bilang isang anak na nagmamahal ng lubos sa kanyang ina, na inalay ang karunungan at disiplina upang maibalik ang paningin na nawala sa kanyang ina, bilang isang kapatid at kung paano siya nakisalamuha sa kanila, bilang isang kaibigan at kung paano niya pinahahalagahan ang pagmamahal at pakikisama ng isang kaibigan at higit sa lahat bilang isang mang-iibig,isang mapagmahal ngunit sa ibang kadahilanan ay nabansagang babero. Ang lahat ng ito ay naghihintay ng kasagutan habang pinapanuod ko ang "Bayaning Third World". Sa umpisa ng palabas ay makikita natin ang dalawang manunulat na naghahanda at nangangalap ng impormasyon para sa isang gagawing pelikula na alinsunod sa buhay ni Dr. Jose Rizal.

II.Buod Ang mga pangunahing tauhan sa sinabing pelikula ay sina Joel Torre na gumanap bilang Rizal, Lara Fabregas na gumanap na Josephine Bracken, Cherry Pie Picache bilang Narcisa, Daria Ramirez na gumanap bilang Donya Lolay at sina Ricky Davao at Cris Villanueva bilang mga filmmakers. Sa pelikulang ito naipakita ng mga artista ang tunay na saloobin ng mga karakter na kanilang ginampanan. Ang sinematograpiya ng pelikula ay kahanga-hanga sapagkat kanilang binigyang-buhay muli ang ating kasaysayan habang hinuhukay ang mga sulat at pahayag ng mga mahahalagang tao sa buhay ni Rizal. Ang pelikulang ito ay may kakaibang istilo sa paglalahad ng ating kasaysayan. Ipinakilala ang mga taong nagging malapit at may kaugnayan sa buhay at kamatayan ni Dr. Jose Rizal. Ipinakilala ang kanyang ina na si Doña Lolay. Ipinahayag niya kung sino si Dr. Jose Rizal sa knyang pagkabata. Sumonod na ipinakilala ay si Paciano na siyang nakatatandang kapatid na lalaki ni Dr. Jose Rizal.ipinahayag niyang buo ang loob ni rizal at handa na itong mamatay sa edad na 30. Ang sumunod na kabanata ay isang tanong. Sino/Ano si rizal. Inihayag nito ang mga importanteng impormasyon tungkol sa ating pambansang bayani. Siya ay an gating pambansang bayani at kilala ng lahat ng Pilipino. Bata man o matanda siya ay kinikilalang bayani n gating lahi. Siya ay numero uno sapagkat siya ang nasa piso ang sumisimbolo sa ating salapi. Ipinahayag din ditto ang mga unang pelikula na ipinalabas tungkol sa buhay ni Rizal. May mga kultong sumasamba kay Rizal. Ang sumunod na kabanata ay ang buhay ni rizal kung saan binanggit ang mga ginawa at kotribusyon ni Dr. Jose Rizal sa sining at iba pang aspeto. Binanggit rin ang isang produktong deodorant na kung saaan ito ay ipinangalan kay Rizal at nagsasabing sa paggamit mo ng produktong ito ay hindi ka mag-aamoy indio. Inihalitulad din siya kay Flor Contemplacion na binitay sa ibang bansa. Si Rizal rin ay piñata ngunit hindi sa pamamagitan ng pagbitay kundi sa pagbaril sa kanya ng mga sundalo. Nasabi rin ditto ang tungkol sa sulat ni Dr. Jose Rizal kay Mracelo H. Del Pilar kung saan sinasabi niyang pinaghahandaan na niya ang kanyang kamatayan sa edad na tatlumpo. Ngunit ng siya ay bmalik sa pilipinas galling sa bansang Hongkong ay ganap na siyang 31 taong gulang. Ipinatapon siya sa dapitan kung saan nakilala niya si Josephine Bracken na nagging kasintahan niya habang siya ay nasa Dapitan. Ang sumunod na kabanata ay nagpapakilala kay Josephine Bracken bilang isang nobya ni Rial o bilang isang espiya ng mga prayle. Sinasabi rin na si Josephine Bracken ay nagsasayaw sa isang club sa Hongkong. Ang kasunod na kabanata ay tumatalakay naman sa mga pagpatibay ng mga dokumento. Tinalakay din dito ang tungkol sa mga dokumento at kasulatan na pinirmahan di umano ni Dr. Jose Rizal kaugnay ng pagpapakasal niya kay Josephine Bracken. Isinasaad sa kasulatan na ito na siya ay nagbabalik-loob sa simbahang katolika. Nakasaad dito na Disyembre 29, 1896, isang araw bago siya ipabaril sa bagong bayan ay nagpakasal siya kay Josephine Bracken. Ang sumunod na ipinakilala ay si Narcisa inihayag niya na madalas daw magpunta sa Josephine sa simbahan tuwing alas sais ng gabi. At ng minsang sundan siya ni Trining ay nakita niya itong may kausap na prayle. Ayon kay Narcisa si Dr. Jose Rizal ay maamo at masunuring tao. Di rin daw matigas ang ulo nito. Si trining ang sumunod na ipinakilala sa pelikula. Si Trining ay isa sa mga kapatid na babae ni Dr. Jose Rizal. Maging si Trining ay hindi makapaniwala na nilagdaan ni Dr. Jose Rizal and kasulatan o ang retraction. Noong 1948 ay umupa pa siya ng isang espiritista upang makapanayam ang kaluluwa ni Rizal. Noong 1949 2 taon bago siya pumanaw ay muli siyang nagpahayag ng kanyang saloobin ukol sa retraction. Ngunit sa pagkakataong ito ay binawi niya ang kanyang unang sinabi at inihayag na naniniwala na siya na bumaligtad nga si rizal o pumirma nga ng pakikipagkasundo si Dr. Jose Rizal sa mga prayle. Si Padre Balaguer ang kasunod na inimbestigahan. Ayon sa kanya ay siya ang testigo sa pagpirma ni Dr. Jose Rizal sa iskandalosong kasulatan. Ayon sa kanya ay humingi pa ng kumpisal si Rizal at humiling din ng isang misa para sa kanya. Ang comprontasyon ang huling kabanata. Dito tinalakay ang isang tulang isinulat ni Rizal at inilagay sa isang lampara and "Adios de Patria Adorada". Tinalakay rin dito na may isa pa syang sulat na tinago sa kanyang sapatos na suot nya ng sya ay barilin. Sa kahuli-hulihang yugto ng pelikula ay sumuko na sa pagsasaliksik ng mga gray areas sa buhay ni Rizal ang dalawang filmmakers sapagkat nahihirapan silang ipaghiwalay ang personal na paniniwala sa naitalang kasaysayan ng buhay ni Rizal. Ngunit, ang mga spekulasyon tungkol sa dokyumentong retraksyon ni Rizal ay nananatili sa ating mga isipan. Bakit nga ba Third World ang pamagat ng pelikula? Sapagkat sinasabing marupok o third class lamang ang pagkabayani ni Dr. Jose Rizal.

III . Pagtalakay: "Sino o ano nga ba si Rizal?" Ito ang katanungang nanatili sa aking isip habang pinapanood ang pelikulang Bayaning 3rd World, isang pelikulang imbestigasyon sa pagka-bayani ni Dr. Jose Rizal. Sino si Rizal? Ang pambansang bayani ng Pilipinas, The Great Malayan, at ang natatanging Indio Bravo. Ano si Rizal? Piso, monumento, paaralan, lugar, o diyos ng mga kulto.Mapapansin na sa simula ng pelikula ay ginawang pala-isipan tungkol sa mga pambansang tatak. Litrato ng agila, National Bird,; litrato ng narra, National Tree; litrato ng mangga, National Fruit; litrato ni Rizal, National Hero. Pagkatapos ay malalaman mong hindi pala si Rizal ang main character kundi dalawang filmmakers na hindi sasabihin ang mga pangalan. Gagamitin pa siyang pangalan ng deodorant. Iisipin mo kung magiging seryoso ba ang pelikula. At ang nawawala sa mga ito ay si Dr. Jose Rizal na siyang pambansang bayani ng ating bayan. Maaakit kang panuorin ang mga susunod na tagpo sapagkat may pagkacomedy ang ginawang pelikula. Magsisimula ang tunay na pelikula kung saan ihahayag nila ang buhay at pagkatao ni Rizal sa pagpapakilala ng mga taong naing bahagi ng buhay at kamatayan ni Rizal. Sa kaibuturan, pelikula ng kung paano gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Rizal ang "bayaning third world". Sa maraming brainstorming at pag-aaway na pagdadaanan ng dalawang filmmakers, iisa lang ang pagkakasunduan nila: hindi magandang materyal ang pelikula ng bayani, hindi cinematic. Kahit pa nga raw isama ang pagiging matinik nito sa mga babae. Aba, sasabihin pa nila, mas maganda pa yatang isapelikula ang buhay ng uliran niyang ina. At least si Donya Loleng, pinagbintangan ng tangkang pagpatay at ipinalakad nang malayo papunta sa pagkukulungan nito.

Si Doña Lilay ang ina ni Dr. Jose Rizal. Siya ay may pagkamasungit. Siya ay may sakit na katarata kung kaya’t pinili ni Rizal ang mag-aral ng medisina at upang mapagaling ang kanyang inang si Doña Lolay. Isa siya sa naghubog ng kaisipan ni Dr. Jose Rizal mula ng ito’y musmos na bata pa lamang. Si Paciano ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Rizal ay isa pa rin sa humubog sa kaisipan ni Rizal. Si Rizal ay inspirasyon sa kanya. Hindi rin siya payag sa pag’aaklas katulad ni Rizal. Ayon sa kanya ang kamatayan ni Dr. Jose Rizal ay tanggap na nito ang kanyang maagang kamatayan. Sila ay sobrang malapit sa isa’t isa at wala na silang masasabi pa sa isa’t isa. Si Rizal ay binansagan ding "small but terrible" sapagkat di sya katangkaran at may pagkabansot ngunit at kanyang kaisipan at kaalaman ay hindi maipaliwanag. Si Rizal ay ating pambansang bayani at nararapat lamang na mapunta sa kanya ang mga pinakamalalaking papuri at karangalan. Siya ay sumasagisag sa ating lahi at bayan kung kaya’t nararapat lamang na ang larawan niya ang mailagay sa piso nasiyang simbolo ng ating salapi. Kung tutuusin ay naging maikli lamang ang naging buhay ni Dr. Jose Rizal. Ngunit sa kabila nito ay punong-puno ito ng kulay. May dalawang filmmaker na unang gumawa ng pelikula ukol sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Ngunit ang naunang matapos ang naunang matapos ay kinunan lamang ang tinatawag na "The Execution" sapagkat dito makikita ang pinaka interisadong parte ng buhay ni Dr. Jose Rizal. Masasabing nagging maabilidan siyang director sa kanyang estilo. Pero sa Jose Rizal ni Diaz-Abaya, walang duda. Katulad nga ng sinabi ng direktor, sinubukan nilang gumawa ng isang pelikula ng Larawan ng Binata Bilang Alagad ng Sining. Henyong artista si Rizal na madalas na dinadalaw ng mga multo ng pagdududa sa sariling kakayahan, ng pagdududa sa tingin niya’y silbi niya sa bayan. Kahit anong pilit ng mga gumawa na palabasing katulad natin siyang timawa lamang o karaniwang tao, superman pa rin ang dating niya. Iisipin mo naman kung magiging totoo ba ang pelikula. Sa ibang rehiyon ay ginawa pang santo si Rizal. Isipin mo nga naman si Rizal ay hindi lang pala isang bayani kundi isang santo na rin. Ang itatawag marahil sa kanya ay santo Rizal. Ngunit paano magiging santo ang isang kumakalaban sa simbahang katoliko. Ngunit hindi direkta sa simbahan mas inuusig niya ang mga tao sa likod nito. Ang mga nagpapatakbo ng simbahan, ang mga prayle. Binansagan din siyang Kristo ng katagalugan. At ang ang mga taong sumasamba sa kanya ay tinawag naming mga "Rizalista". Si Rizal ay inihahambing rink ay Flor Contemplacion na binitay sa ibang bansa. Ang kaibahan lang daw ay binaril si Rizal at hindi binigti. Isang nakakatawang parte ng pelikula ay ng ipinakilala nila ang isang produkto na ipinangalan kay Dr. Jose Rizal. Aakalain mo bang isa itong deodorant? Akalain mo un? Hindi manlang ginawang pabango. Kung sabagay ay pabango rin naman ang deodorant ngunit sa kili-kili lamang. Isang palaisipan sa dalawang manunulat ng script ay kung may hawak bang rosaryo si Rizal ng siya ay barilin. Tatalakayin ito sa susunod na kabanata. December 28, 1896 ay ibinaba na ng pulong ng matataas na kawani ng pamahalaan ang hatol na bitay kay Dr. Jose Rizal. Nabanggit din ang tungkol sa isang liham na ipinadala ni Dr. Jose Rizal kay M.H. del Pilar. Nakasulat dito ang kanyang paghahanda sa kanyang kamatayan sa edad na 30. Sa tingin ko hindi bagay kay Rizal ang magsulat ng horoscope dahil hindi siya magaling mang-hula. Bumalik siya sa Pilipinas galling sa bansang Hongkong ng ganap na 31 taong gulang. Pinagtatawanan lamang siya ni Paciano ng magbalik siya dito sa Pilipinas dahil sa kanyang sinabi. Nakapagtapos ng pag-aaral itong si Dr. Jose Rizal unibersidad sa Madrid. Nang dumating siya sa Pilipinas ay pinahuli siya at ipinatapon na lamang sa Dapitan. Ito’y dahil na rin sa may koneksyon din siya sa nakatataas kung kaya’t naibaba ang hatol sa kanya sa pagpapatapon na lamang sa Dapitan. Sa Dapitan ay nakilala niya ang isang banyagang nag-ngangalang Josephine Bracken. Ito ay nagging kasintahan niya at niyaya siyang magpakasal. Ngunit siya ay itinuturing na erehe o isang taong kumakalaban sa simbahan ng mga prayle kung kaya’t hindi nila matupad ang kanilang pangarap na magpakasal. Si Josephine Bracken ang magdudulot ng maraming eskandalo sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Sa isang panayam kay Josephine ay sinasabi niyang gusto siyang pakasalan ni Dr. Jose Rizal. Ang sumunod na panayam ay kay Trinidad na isa sa babaeng kapatid ni Dr. Jose Rizal. Sinasabing siya ay magaling sa ingles at isang edukada. Ipinakilala din si Narcisa bilang biktima ni Rizal. Siya ay ginampanan ni Ms. Cherry Pie Picache. Maraming naging sulat si Rizal kay Narcisa. Saksi siya sa madalas na pagpunta ni Josephine Bracken sa simbahan tuwing hapon na. ngunit wala namang misa sa hapon nung panahon na iyon. Nang sinundan siya minsan ay nakita siyan may kausap na prayle. Anong dahilan at nakikipag’usap siya sa mga prayle samantalang ito ang nagpakulong sa kanyang kasintahang si Dr. Jose Rizal. Di kaya humihingi lamang siya ng tulong sa mga ito upang ibaba ang hatol sa kanyang pinakamamahal o siyay nagdadala ng mga impormasyon para sa mga prayleng ito. Sinasabi rin ng mga kapatid ni Dr. Jose Rizal na sapul na dumating sa buhay nila itong si Josephine Bracken nagkagulo na ang kanilang pamilya. Maraming namuong mga eskandalo sa kanilang pamilya at maaring siya rin ang may kagagawn ng lahat. Ang sumunod na panayam ay tungkol kay Trining. Isa rin siya sa kaptid na babae ni Dr. Jose Rizal. Sa unang panayam sa kanya ay hindi siya makapaniwala na pnirmahan ni Dr. Jose Rizal ang kasulatan ukol sa retraction. Nakita ang di umano’y retraction noong taong 1922 may nagsasabing isa lamang itong paninira sapagkat bakit umabot ng dalawang dekada bago ito lumabas. 1949 dalawang taon bago pumanaw si Trining ay kumonsulta siya sa isang espiritista ipang kausapin ang kaluluwa ni Dr. Jose Rizal. Noong siya ay nasa Berlin pa lamang ay buo na ang loob ni Dr. Jose Rizal. Ang sumunod na ipinakilala ay ang hesuitang si Padre Balaguer. Sinasabi niyang siya ang testigo sa pagpirma ni Dr. Jose Rizal sa kontrobersyal na "I retract with all my heart whatever in my words, writings, publications and conduct has been contrary to my character as son of the Catholic Church. I believe and I confess whatever she teaches and I submit to whatever she demands." May dalawang argumento ang nauukol sa paglaban ni Rizal sa simbahan. Isa ay ang si Rizal ay lumaban sa mga simbahan dahil ito ang ugat ng paghihirap ng mga tao; at pangalawa, may dahilang pampolitika – ang simabahan ay ang gobyerno at ang gobyerno ay ang simbahan. Ang isa pa sa kontrobersiya ay ang isyung ‘Si Rizal ba ay lumaban sa mga Espanyol dahil gusto niyang makamit natin ang kalayaan? O ginawa niya ito dahil gusto niyang siya ang mamumuno sa pagmamalabis ng mga Espanyol?’ Pati na ang relasyon ni Rizal kay Bracken ay ginawang kontrobersiya Sinabi rin niya na ang pagbabalik loob ni Dr. Jose Rizal sa pagiging katoliko ay kagustuhan ng Diyos. Sinabi rin niyang sa pagbabalik loob ni Rizal ay hiniling pa nito na maibalik sa kanya ang munting imahe ni Corazon. Sinabi rin niya sa kanyang panayam na dalawang beses nagkumpisal si Rizal sa loob lamang ng ilang oras. Sa aking palagay ay wala itong katotohanan. Hindi naman tanga si Rizal para magpakumpisal ng dalawang beses sa ilang oras lamang. Ano ang magiging dahilan n’ya dun? Dahil ba mas mababaasan daw di umao ang kasalanan kung mangungumpisal ka ng maraming beses? Alam kong alam ni Rizal na ang pangungumpisal ay hindi paramihan. Sapat na sa Diyos na minsan mong pinagsisihan ang iyong kasalanan at ikaw ay nagbabalik loob na sa kanya. Isa pa ay kalaban ni Rizal ang mga prayle. Anong sasabihing mabuti sa iyo ng iyong kaaway. Sa huling bahagi ng pelikula ay ang confrontation kung saan nakasaad na nag-iwan ng liham si Rizal sa isang lampara. Ito ay ang "adios patria adorada". Dito nakasulat ang mga habilin ni Rizal. Mayroon din siyang liham na nilagay niya sa kanyang sapatos. Subalit 2 taon pa bago nahukay ang kanyang bangkay at wala na ang liham na sinasabi niya. Ang huling tanong na siyang pinagdidiskusyunan ay kung si Jose Rizal nga ba ang pumirma ng retraction. Ikinasal ba siya kay Josephine Bracken. Sa ganang sa akin mas nakalalamang pa din sa akin na hindi siya sumuko sa mga prayleng iyon hanggang sa huling hininga niya. Sinasabi na nga sa kanyang mga isinulat kung gaano siya katapang. Hindi pa ba sapat iyon para patunayan na hindi siya basta basta sumusuko. Saan mo pa ba makikilala ang isang manunulat? Hindi ba sa kanyang mga sulat? Para sa akin ay hindi siya sumuko. Higit na nabago ng pelikulang Bayaning 3rd world ang aking pananaw tungkol sa ating pamabansang bayani na si Jose Rizal. Simula nung bata pa ako ay naniwala na akong isang napakagaling at napakabait na tao si Rizal. Naniwala akong si Rizal ay namatay na isang Katoliko. Noong napanood ko ang pelikulang Bayaning 3rd World ay nalaman ko ang lahat ng kontrobersiya ukol kay Rizal. Ginusto nga kaya ni Rizal na maging isang bayani? Sa ganang sa akin ay hindi. Sino ba ang maghahangad na mamatay ng walang kalaban-laban.sa gitna ng sankaterbang tao. Huwag na nating pag-usapan ang mga teknikal na aspeto. Isa pang kwentong mahirap paniwalaan ay ang pagkawala ng kontrobersyal na kasulatan ng retraction at ang pagkakakita dito ng isang paring kastila sa archieves ng simbahan. 14 na taon lang naming nawala ang sinasabing dokumento. Hindi pwedeng ma-misplaced yun lalu na kung ganun katagal. Kung susumahin ang nagging pangyayari ay parang himalang bigla na lamang lumitaw ang dokumentong iyon. Bilang mga alagad ng simbahan isa sa kanilang tungkulin ay ingatan ang mga dokumentong katulan niyon. Lalu pa at ito`y pagbabalik loob ng isang naligaw na tupa. Hindi ba? Kahit saang anggulo tingnan, parehong obra maestra ang Bayaning 3rd World nina Mike De Leon at Clodualdo Del Mundo at ang José Rizal nina Marilou Diaz-Abaya, Ricky Lee, Jun Lana at Peter Ong Lim. Premyado ang cinematography, ang production design, ang pag-arte, at higit sa lahat, ang screenplay at pagdirihe. Kaya mas maganda sigurong pag-usapan ang magkaibang punto de bista ng dalawang pelikula sa Pambansang Bayani ng Pilipinas na italicized na, capitalized pa. Sa kahuli-hulihang yugto ng pelikula ay sumuko na sa pagsasaliksik ng mga gray areas sa buhay ni Rizal ang dalawang filmmakers sapagkat nahihirapan silang ipaghiwalay ang personal na paniniwala sa naitalang kasaysayan ng buhay ni Rizal. Ngunit, ang mga spekulasyon tungkol sa dokyumentong retraksyon ni Rizal ay nananatili sa ating mga isipan. Bakit nga ba Third World ang pamagat ng pelikula? Sapagkat sinasabing marupok o third class lamang ang pagkabayani ni Dr. Jose Rizal. Ang mga pangunahing tauhan sa sinabing pelikula ay sina Joel Torre na gumanap bilang Rizal, Lara Fabregas na gumanap na Josephine Bracken, Cherry Pie Picache bilang Narcisa, Daria Ramirez na gumanap bilang Donya Lolay at sina Ricky Davao at Cris Villanueva bilang mga filmmakers. Sa pelikulang ito naipakita ng mga artista ang tunay na saloobin ng mga karakter na kanilang ginampanan. Ang sinematograpiya ng pelikula ay kahanga-hanga sapagkat kanilang binigyang-buhay muli ang ating kasaysayan habang hinuhukay ang mga sulat at pahayag ng mga mahahalagang tao sa buhay ni Rizal. Ang pelikulang ito ay may kakaibang istilo sa paglalahad ng ating kasaysayan – may halong katatawanan at drama, kung kaya’t nakuha ang aking pansin at pagkawili. Sa huli may kanya kanya pa din tayong pagkakakilala kay Rizal. Ngunit kahit ano pa man ang maging kalabasan ng pag’iimbestiga hindi na mababago ang mga nagawa niya sa bayan at kung paanong siya ang nag-silbing ilaw sa lahat ng di makakitang damdamin ng bawat Pilipino. Melodramatic ang Jose Rizal. Huling-huli nito ang lasa ng masang Pilipino. Sa eksena ng huling pagkikita ni Pepe at ng kanyang Nanay, hindi mo na dapat ikahiyang tinablan ka ng drama ng buhay nila. Kung sa Bayaning Third World ay hindi cinematic ang buhay ni Rizal, gamit na gamit dito ang lahat ng telenovelaic devices na gustong-gusto ng Pilipino. Tinatangka namang bigyan ng mas personal na ‘spin’ ng mga gumawa ng Jose Rizal ang tila mythological na tingin natin kay Rizal. Sa ganang akin, hindi rin nila ito na-achieve. Ang dating pa rin sa akin ni Rizal ay isang higanteng may 5’3" ang taas na nakapagpabagsak ng isang imperyo sa pamamagitan ng pagsulat lamang. Maganda ang layunin nila, pero hindi ko maramdamang puwede akong makipaglokohan kay Rizal, ‘yung tipong puwede ko siyang tawagan sa telepono at yayain siyang makipagdiskusyunan tungkol sa Meteor Garden.Nagustuhan ko sa Bayaning third World na para itong paglilitis. Isa-isang dadalawin ng mga filmmakers ang mga tao sa buhay ni Rizal, na iba-iba rin ang pagtingin sa kanya. Sa huli ay hindi na nila maiiwasang kausapin si Rizal mismo, at si Rizal din mismo ang magagalit sa kanila dahil hindi nila siya ma-gets. Sa kaibuturan, pelikula ng kung paano gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Rizal ang B3W. Sa maraming brainstorming at pag-aaway na pagdadaanan ng dalawang filmmakers, iisa lang ang pagkakasunduan nila: hindi magandang materyal ang pelikula ng bayani, hindi cinematic. Kahit pa nga raw isama ang pagiging matinik nito sa mga babae. Aba, sasabihin pa nila, mas maganda pa yatang isapelikula ang buhay ng uliran niyang ina. At least si Donya Loleng, pinagbintangan ng tangkang pagpatay at ipinalakad nang malayo papunta sa pagkukulungan nito.

V. Pagpapalawak ng Kaalaman: 1. Bakit tinawag na indio ang mga Pilipino? Sa paningin ng mga espanyol ay mas nakatataas sila sa atin kung kaya’t tinawag nila tayong indio. Ang turing nila sa lahing Pilipino ay mga alipin lamang at mga mangmang. Lingid sa kaalaman ng iba, ang salitang indio ay katumbas ng salitang idiot sa ingles o sa Filipino ay ang katumbas nito ay unggoy, o isang mababang uri o lahi ng tao. Hindi ba’t napakalaking insulto sa bawat Pilipino at lahi natin agn tawaging ganito? Ngunit sa kabila nito ay naging inspirasyon ito n gating mga bayani upang patunayan sa buong mundo na hindi karapat dapat na tawagin tayong indio. 2.Sino Si Josephine Bracken? Si Josephine Bracken ay isang banyaga na galling sa estados unidos. May usap-usapan na siya ay isang mananayaw sa isang club sa Hongkong. Isang palaisipan hanggang sa ngayon kung minahal ba talaga ni Josephine si Rizal o isa lamang siyang espiya ng mga prayle na pinadala sa Dapitan kung saan ipinatapon si Rizal. Upang papayagin o hikayatin si Rizal na itgil na nito ang paninira sa simbahang katoliko. Hinikayat din niya si Rizal na magpakasal sa kanya ngunit hindi ito magawa ni Rizal sapagkat siya ay itinuturing na erehe ng simbahang katoliko o isang taong kumakalaban sa simbahan. 3. Sino / Ano Si Rizal? Sa pagtuntong ko pa lamang sa Elementarya ay nakilala ko na si Dr. Jose Rizal. Makikita mo siya sa piso kung kaya’t siguradong pamilyar saiyo ang kanyang pangalan. Kilala siya ng bawat Pilipino matanda man o bata. Ngunit ang karamihan sa atin ay kilala lamang siya sa pangalan. Lingid sa kaalaman ng marami ang tunay na pagkatao ni Dr. Jose Rizal hindi lamang bilang isang bayani kundi bilang isang anak na nagmamahal ng lubos sa kanyang ina, na inalay ang karunungan at disiplina upang maibalik ang paningin na nawala sa kanyang ina, bilang isang kapatid at kung paano siya nakisalamuha sa kanila, bilang isang kaibigan at kung paano niya pinahahalagahan ang pagmamahal at pakikisama ng isang kaibigan at higit sa lahat bilang isang mang-iibig,isang mapagmahal ngunit sa ibang kadahilanan ay nabansagang babero. 4. Kailan Pinatay Si Rizal? Ika-30 ng Disyembre 1896 ay binaril siya sa bagong bayan na ngayon ay Luneta Park. Ang pagkamatay niya na ito aynagsilbing mitsa upang umusbong ang nagliliwanag na damdaming makabayan ng mga Pilipino. Matapos ang kanyang kamatayan ay nagsimula ang himagsikan sa halos lahat ng parte ng bansa. 5. Anong naging parte ni Padre Balaguer sa pagkamatay ni Jose Rizal? Isa si Padre Balaguer sa may mga kinalaman sa pagkamatay ni Dr.Jose Rizal. Siya ay isa sa naghatol sa kanya ng kamatayan. Sinasabi rin niya na siya ang nagkasal kay Dr.Jose Rizal at Josephine Bracken isang araw matpos na barilin si Dr.Jose Rizal sa bagong bayan.

1. Ano ang pangalan ng nakakatandang kapatid na lalaki ni Dr.Jose Rizal? A. Paciano B.Protacio C.Pepe 2. Ano ang bansag kay Dr.Jose Rizal ng siya ay bata pa? A. Pepito B.Pepe C.Pido 3.Ilang taon na si Rizal ng bumalik siya galing sa Dapitan? A.31 B.32 C.33 4.Anong taon unang isinapelikula ang buhay ni Rizal? A. 1890 B.1891 C.1892 5.Anong produkto nagging trademark ang pangalan ni Dr.Jose Rizal? A. Shampoo B.Sabon C.Deodorant 6.Ano ang panglan ng huling kasintahan ni Rizal? A. Josephine B.Josie C.Joy 7.Saan unibersidad pumasok si Rizal? A. Madrid B.Germany C.Italy

8. Anung taon kumonsulta si Trining sa isang espiritista upang kausapin ang kaluluwa ni Rizal? A. 1948 B.1949 C.1950 9.Ano ang tawag ng mga Espanyol sa mga Pilipino? A. Indian B.Indio C.Hindo 10.Anong taon ang huling panayam kay Trining? A. 1850 B.1849 C.1841 11.Anong sulat ang inilagay ni Rizal ang inilagay niya sa lampara? A. Mi ultimo Adios B.Adios patria Adorada C.Huling hiling 12.Sino ang gumanap Bilang Rizal? A. Joel Torre B.Ricky Davao C.Ceasar Montano 13.Anong oras pinatay si Rizal? A. 4pm B.5pm C.6pm 14.Saan ipinatapon si Rizal at nakatagpo si Josephine? A. Cavite B.Laguna C.Dapitan 15.Anong taon namatay si Trining? A. 1949 B.1950 C.1951 16.Sino ang gumanap na Trinidad? A. Rio locsin B.Angel Locsin C.Cherry Pie 17. Sinong Prayle ang nagkasal kina Rizal at Josephine? A. Padre Burgos B.Padre Balaguer C.Padre Damaso 18.Sino ang gumanap na Josephine Bracken? A. Rio locsin B.Angel Locsin C.Lara Fabrigas 19.Sino ang gumanap na Dona Lolay? A. Rio locsin B. Daria Ramirez C.Cherry Pie 20.Anong taon hinukay ang bangkay ni Rizal? A. 1898 B. 1899 C.1897 21. Saan inilagay ni Rizal ang isang kontrobersyal na sulat na hindi na natagpuan pa? A. Sapatos B. Medyas C.Damit 22.Ano ang pangalan ng ina ni Rizal? A. Doña Lolay B. Doña Lolita C. Doña Loly 23.Saan Binaril Si Rizal? A. Luneta B. Araneta C.Monumento 24.Sa anong salapi ng Pilipinas matatagpuan ang mukha ni Rizal? A.Piso B.Limang Piso C.Sampung Piso 25.Anong petsa ibinaba ang hatol na kamatayan kay Rizal? A. December 28 1896 B. December 27 1896 C. December 26 1896

II. TALASALITAAN: 1. Iskandalo – usap-usapan 2. Habilin – kautusan 3. Huwad – peke 4. Edukado – nakapag-aral 5. Kulto – relihiyon 6. Santo – banal 7. Imbestigasyon – pagsusuri 8. Himagsikan – pag-aaklas 9. Sangkot – damay 10. Dokumento – kasulatan 11. Ulyanin – makakalimutin dahil sa katandaan 12. Baluktot na katwiran – maling paninindigan 13. Madrasta – ikalawang ina 14. Malimit – madalas 15. Katedral – simbahan 16. Inaruga – inalagaan 17. Batid – alam 18. Naglaho- nawala 19. Napabayaan – nakalimutan 20. Nakakabanas – nakakainis 21. Binalak – pinaghandaa 22. Bapor – barko 23. Kalayaan – kaligtasan 24. Kamangmangan – katangahan 25. Puno`t dulo – pinagmulan 26. Espiya – mata ng kalaban 27. Taksil - traydor 28. Marahas – madugo 29. Magbunga – magdulot 30. Sumang-ayon – pumayag 31. Kilusan – rebelde 32. Pandangal – pinuno 33. Kopya – duplika 34. Spekulasyon - haka-haka 35. Paglilitis – paghuhukom 36. Karangalan – dangal 37. Dungis – dumi 38. Kotyum- damit 39. Postura – nakaayos 40. Hinanap – tinungo 41. Hinarap- nilabanan 42. Itinakda- tadhana 43. Mababago – maiiba 44. Bilib – hanga 45. Mananatili – maiiwan 46. Binabagabag – ginugulo 47. Konsensya – budhi 48. Delubyo – kamalasan 49. Natupad – nagtagumpay 50. Gray areas – di maipaliwanag



Marco Garcia




-----Inline Attachment Follows-----

{\rtf1\ansi\ansicpg1252\deff0\deflang1033{\fonttbl{\f0\froman\fprq2\fcharset0 Times New Roman;}{\f1\froman\fcharset0 Times New Roman;}{\f2\fswiss\fcharset0 Arial;}}
{\*\generator Msftedit 5.41.15.1507;}\viewkind4\uc1\pard\sb100\sa100\f0\fs20 I. Panimula: Sa pamamagitan ng panunuod ng pelikulang \ldblquote Bayaning Third World\rquote ay inaasahan kong lalong lalawig ang aking kaisipan at kaalaman tungkol sa buhay at mga kontribusyon ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Lalo kong makikilala kung sino nga ba ang Dr. Jose Rizal na kilala ko na mula sa aking pagkabata. Naging idolo ng maraming Pilipino at ng iba pang lahi. Sa pamamagitan ng mga pelikulang ganito ay nakakatulong ito sa pagpapalaganap ng tunay na katauhan ni Rizal na siyang interes ng maraming tao. Sa pamamagitan din nito ay maaring makilala ko si Dr. Jose Rizal hindi lamang bilang isang bayani na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kayang bayan kundi bilang isang anak na nagmamahal ng lubos sa kanyang ina, na inalay ang karunungan at disiplina upang maibalik ang paningin na nawala sa kanyang ina, bilang isang kapatid at kung paano siya nakisalamuha sa kanila, bilang isang kaibigan at kung paano niya pinahahalagahan ang pagmamahal at pakikisama ng isang kaibigan at higit sa lahat bilang isang mang-iibig,isang mapagmahal ngunit sa ibang kadahilanan ay nabansagang babero. Ang lahat ng ito ay naghihintay ng kasagutan habang pinapanuod ko ang \ldblquote Bayaning Third World\rdblquote . Sa umpisa ng palabas ay makikita natin ang dalawang manunulat na naghahanda at nangangalap ng impormasyon para sa isang gagawing pelikula na alinsunod sa buhay ni Dr. Jose Rizal. \par
II.Buod Ang mga pangunahing tauhan sa sinabing pelikula ay sina Joel Torre na gumanap bilang Rizal, Lara Fabregas na gumanap na Josephine Bracken, Cherry Pie Picache bilang Narcisa, Daria Ramirez na gumanap bilang Donya Lolay at sina Ricky Davao at Cris Villanueva bilang mga filmmakers. Sa pelikulang ito naipakita ng mga artista ang tunay na saloobin ng mga karakter na kanilang ginampanan. Ang sinematograpiya ng pelikula ay kahanga-hanga sapagkat kanilang binigyang-buhay muli ang ating kasaysayan habang hinuhukay ang mga sulat at pahayag ng mga mahahalagang tao sa buhay ni Rizal. Ang pelikulang ito ay may kakaibang istilo sa paglalahad ng ating kasaysayan. Ipinakilala ang mga taong nagging malapit at may kaugnayan sa buhay at kamatayan ni Dr. Jose Rizal. Ipinakilala ang kanyang ina na si Do\'f1a Lolay. Ipinahayag niya kung sino si Dr. Jose Rizal sa knyang pagkabata. Sumonod na ipinakilala ay si Paciano na siyang nakatatandang kapatid na lalaki ni Dr. Jose Rizal.ipinahayag niyang buo ang loob ni rizal at handa na itong mamatay sa edad na 30. Ang sumunod na kabanata ay isang tanong. Sino/Ano si rizal. Inihayag nito ang mga importanteng impormasyon tungkol sa ating pambansang bayani. Siya ay an gating pambansang bayani at kilala ng lahat ng Pilipino. Bata man o matanda siya ay kinikilalang bayani n gating lahi. Siya ay numero uno sapagkat siya ang nasa piso ang sumisimbolo sa ating salapi. Ipinahayag din ditto ang mga unang pelikula na ipinalabas tungkol sa buhay ni Rizal. May mga kultong sumasamba kay Rizal. Ang sumunod na kabanata ay ang buhay ni rizal kung saan binanggit ang mga ginawa at kotribusyon ni Dr. Jose Rizal sa sining at iba pang aspeto. Binanggit rin ang isang produktong deodorant na kung saaan ito ay ipinangalan kay Rizal at nagsasabing sa paggamit mo ng produktong ito ay hindi ka mag-aamoy indio. Inihalitulad din siya kay Flor Contemplacion na binitay sa ibang bansa. Si Rizal rin ay pi\'f1ata ngunit hindi sa pamamagitan ng pagbitay kundi sa pagbaril sa kanya ng mga sundalo. Nasabi rin ditto ang tungkol sa sulat ni Dr. Jose Rizal kay Mracelo H. Del Pilar kung saan sinasabi niyang pinaghahandaan na niya ang kanyang kamatayan sa edad na tatlumpo. Ngunit ng siya ay bmalik sa pilipinas galling sa bansang Hongkong ay ganap na siyang 31 taong gulang. Ipinatapon siya sa dapitan kung saan nakilala niya si Josephine Bracken na nagging kasintahan niya habang siya ay nasa Dapitan. Ang sumunod na kabanata ay nagpapakilala kay Josephine Bracken bilang isang nobya ni Rial o bilang isang espiya ng mga prayle. Sinasabi rin na si Josephine Bracken ay nagsasayaw sa isang club sa Hongkong. Ang kasunod na kabanata ay tumatalakay naman sa mga pagpatibay ng mga dokumento. Tinalakay din dito ang tungkol sa mga dokumento at kasulatan na pinirmahan di umano ni Dr. Jose Rizal kaugnay ng pagpapakasal niya kay Josephine Bracken. Isinasaad sa kasulatan na ito na siya ay nagbabalik-loob sa simbahang katolika. Nakasaad dito na Disyembre 29, 1896, isang araw bago siya ipabaril sa bagong bayan ay nagpakasal siya kay Josephine Bracken. Ang sumunod na ipinakilala ay si Narcisa inihayag niya na madalas daw magpunta sa Josephine sa simbahan tuwing alas sais ng gabi. At ng minsang sundan siya ni Trining ay nakita niya itong may kausap na prayle. Ayon kay Narcisa si Dr. Jose Rizal ay maamo at masunuring tao. Di rin daw matigas ang ulo nito. Si trining ang sumunod na ipinakilala sa pelikula. Si Trining ay isa sa mga kapatid na babae ni Dr. Jose Rizal. Maging si Trining ay hindi makapaniwala na nilagdaan ni Dr. Jose Rizal and kasulatan o ang retraction. Noong 1948 ay umupa pa siya ng isang espiritista upang makapanayam ang kaluluwa ni Rizal. Noong 1949 2 taon bago siya pumanaw ay muli siyang nagpahayag ng kanyang saloobin ukol sa retraction. Ngunit sa pagkakataong ito ay binawi niya ang kanyang unang sinabi at inihayag na naniniwala na siya na bumaligtad nga si rizal o pumirma nga ng pakikipagkasundo si Dr. Jose Rizal sa mga prayle. Si Padre Balaguer ang kasunod na inimbestigahan. Ayon sa kanya ay siya ang testigo sa pagpirma ni Dr. Jose Rizal sa iskandalosong kasulatan. Ayon sa kanya ay humingi pa ng kumpisal si Rizal at humiling din ng isang misa para sa kanya. Ang comprontasyon ang huling kabanata. Dito tinalakay ang isang tulang isinulat ni Rizal at inilagay sa isang lampara and \ldblquote Adios de Patria Adorada\rdblquote . Tinalakay rin dito na may isa pa syang sulat na tinago sa kanyang sapatos na suot nya ng sya ay barilin. Sa kahuli-hulihang yugto ng pelikula ay sumuko na sa pagsasaliksik ng mga gray areas sa buhay ni Rizal ang dalawang filmmakers sapagkat nahihirapan silang ipaghiwalay ang personal na paniniwala sa naitalang kasaysayan ng buhay ni Rizal. Ngunit, ang mga spekulasyon tungkol sa dokyumentong retraksyon ni Rizal ay nananatili sa ating mga isipan. Bakit nga ba Third World ang pamagat ng pelikula? Sapagkat sinasabing marupok o third class lamang ang pagkabayani ni Dr. Jose Rizal. \par
III . Pagtalakay: \ldblquote Sino o ano nga ba si Rizal?\rdblquote Ito ang katanungang nanatili sa aking isip habang pinapanood ang pelikulang Bayaning 3rd World, isang pelikulang imbestigasyon sa pagka-bayani ni Dr. Jose Rizal. Sino si Rizal? Ang pambansang bayani ng Pilipinas, The Great Malayan, at ang natatanging Indio Bravo. Ano si Rizal? Piso, monumento, paaralan, lugar, o diyos ng mga kulto.Mapapansin na sa simula ng pelikula ay ginawang pala-isipan tungkol sa mga pambansang tatak. Litrato ng agila, National Bird,; litrato ng narra, National Tree; litrato ng mangga, National Fruit; litrato ni Rizal, National Hero. Pagkatapos ay malalaman mong hindi pala si Rizal ang main character kundi dalawang filmmakers na hindi sasabihin ang mga pangalan. Gagamitin pa siyang pangalan ng deodorant. Iisipin mo kung magiging seryoso ba ang pelikula. At ang nawawala sa mga ito ay si Dr. Jose Rizal na siyang pambansang bayani ng ating bayan. Maaakit kang panuorin ang mga susunod na tagpo sapagkat may pagkacomedy ang ginawang pelikula. Magsisimula ang tunay na pelikula kung saan ihahayag nila ang buhay at pagkatao ni Rizal sa pagpapakilala ng mga taong naing bahagi ng buhay at kamatayan ni Rizal. Sa kaibuturan, pelikula ng kung paano gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Rizal ang \ldblquote bayaning third world\rdblquote . Sa maraming brainstorming at pag-aaway na pagdadaanan ng dalawang filmmakers, iisa lang ang pagkakasunduan nila: hindi magandang materyal ang pelikula ng bayani, hindi cinematic. Kahit pa nga raw isama ang pagiging matinik nito sa mga babae. Aba, sasabihin pa nila, mas maganda pa yatang isapelikula ang buhay ng uliran niyang ina. At least si Donya Loleng, pinagbintangan ng tangkang pagpatay at ipinalakad nang malayo papunta sa pagkukulungan nito. \par
Si Do\'f1a Lilay ang ina ni Dr. Jose Rizal. Siya ay may pagkamasungit. Siya ay may sakit na katarata kung kaya\rquote t pinili ni Rizal ang mag-aral ng medisina at upang mapagaling ang kanyang inang si Do\'f1a Lolay. Isa siya sa naghubog ng kaisipan ni Dr. Jose Rizal mula ng ito\rquote y musmos na bata pa lamang. Si Paciano ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Rizal ay isa pa rin sa humubog sa kaisipan ni Rizal. Si Rizal ay inspirasyon sa kanya. Hindi rin siya payag sa pag\rquote aaklas katulad ni Rizal. Ayon sa kanya ang kamatayan ni Dr. Jose Rizal ay tanggap na nito ang kanyang maagang kamatayan. Sila ay sobrang malapit sa isa\rquote t isa at wala na silang masasabi pa sa isa\rquote t isa. Si Rizal ay binansagan ding \ldblquote small but terrible\rdblquote sapagkat di sya katangkaran at may pagkabansot ngunit at kanyang kaisipan at kaalaman ay hindi maipaliwanag. Si Rizal ay ating pambansang bayani at nararapat lamang na mapunta sa kanya ang mga pinakamalalaking papuri at karangalan. Siya ay sumasagisag sa ating lahi at bayan kung kaya\rquote t nararapat lamang na ang larawan niya ang mailagay sa piso nasiyang simbolo ng ating salapi. Kung tutuusin ay naging maikli lamang ang naging buhay ni Dr. Jose Rizal. Ngunit sa kabila nito ay punong-puno ito ng kulay. May dalawang filmmaker na unang gumawa ng pelikula ukol sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Ngunit ang naunang matapos ang naunang matapos ay kinunan lamang ang tinatawag na \ldblquote The Execution\rdblquote sapagkat dito makikita ang pinaka interisadong parte ng buhay ni Dr. Jose Rizal. Masasabing nagging maabilidan siyang director sa kanyang estilo. Pero sa Jose Rizal ni Diaz-Abaya, walang duda. Katulad nga ng sinabi ng direktor, sinubukan nilang gumawa ng isang pelikula ng Larawan ng Binata Bilang Alagad ng Sining. Henyong artista si Rizal na madalas na dinadalaw ng mga multo ng pagdududa sa sariling kakayahan, ng pagdududa sa tingin niya\rquote y silbi niya sa bayan. Kahit anong pilit ng mga gumawa na palabasing katulad natin siyang timawa lamang o karaniwang tao, superman pa rin ang dating niya. Iisipin mo naman kung magiging totoo ba ang pelikula. Sa ibang rehiyon ay ginawa pang santo si Rizal. Isipin mo nga naman si Rizal ay hindi lang pala isang bayani kundi isang santo na rin. Ang itatawag marahil sa kanya ay santo Rizal. Ngunit paano magiging santo ang isang kumakalaban sa simbahang katoliko. Ngunit hindi direkta sa simbahan mas inuusig niya ang mga tao sa likod nito. Ang mga nagpapatakbo ng simbahan, ang mga prayle. Binansagan din siyang Kristo ng katagalugan. At ang ang mga taong sumasamba sa kanya ay tinawag naming mga \ldblquote Rizalista\rdblquote . Si Rizal ay inihahambing rink ay Flor Contemplacion na binitay sa ibang bansa. Ang kaibahan lang daw ay binaril si Rizal at hindi binigti. Isang nakakatawang parte ng pelikula ay ng ipinakilala nila ang isang produkto na ipinangalan kay Dr. Jose Rizal. Aakalain mo bang isa itong deodorant? Akalain mo un? Hindi manlang ginawang pabango. Kung sabagay ay pabango rin naman ang deodorant ngunit sa kili-kili lamang. Isang palaisipan sa dalawang manunulat ng script ay kung may hawak bang rosaryo si Rizal ng siya ay barilin. Tatalakayin ito sa susunod na kabanata. December 28, 1896 ay ibinaba na ng pulong ng matataas na kawani ng pamahalaan ang hatol na bitay kay Dr. Jose Rizal. Nabanggit din ang tungkol sa isang liham na ipinadala ni Dr. Jose Rizal kay M.H. del Pilar. Nakasulat dito ang kanyang paghahanda sa kanyang kamatayan sa edad na 30. Sa tingin ko hindi bagay kay Rizal ang magsulat ng horoscope dahil hindi siya magaling mang-hula. Bumalik siya sa Pilipinas galling sa bansang Hongkong ng ganap na 31 taong gulang. Pinagtatawanan lamang siya ni Paciano ng magbalik siya dito sa Pilipinas dahil sa kanyang sinabi. Nakapagtapos ng pag-aaral itong si Dr. Jose Rizal unibersidad sa Madrid. Nang dumating siya sa Pilipinas ay pinahuli siya at ipinatapon na lamang sa Dapitan. Ito\rquote y dahil na rin sa may koneksyon din siya sa nakatataas kung kaya\rquote t naibaba ang hatol sa kanya sa pagpapatapon na lamang sa Dapitan. Sa Dapitan ay nakilala niya ang isang banyagang nag-ngangalang Josephine Bracken. Ito ay nagging kasintahan niya at niyaya siyang magpakasal. Ngunit siya ay itinuturing na erehe o isang taong kumakalaban sa simbahan ng mga prayle kung kaya\rquote t hindi nila matupad ang kanilang pangarap na magpakasal. Si Josephine Bracken ang magdudulot ng maraming eskandalo sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Sa isang panayam kay Josephine ay sinasabi niyang gusto siyang pakasalan ni Dr. Jose Rizal. Ang sumunod na panayam ay kay Trinidad na isa sa babaeng kapatid ni Dr. Jose Rizal. Sinasabing siya ay magaling sa ingles at isang edukada. Ipinakilala din si Narcisa bilang biktima ni Rizal. Siya ay ginampanan ni Ms. Cherry Pie Picache. Maraming naging sulat si Rizal kay Narcisa. Saksi siya sa madalas na pagpunta ni Josephine Bracken sa simbahan tuwing hapon na. ngunit wala namang misa sa hapon nung panahon na iyon. Nang sinundan siya minsan ay nakita siyan may kausap na prayle. Anong dahilan at nakikipag\rquote usap siya sa mga prayle samantalang ito ang nagpakulong sa kanyang kasintahang si Dr. Jose Rizal. Di kaya humihingi lamang siya ng tulong sa mga ito upang ibaba ang hatol sa kanyang pinakamamahal o siyay nagdadala ng mga impormasyon para sa mga prayleng ito. Sinasabi rin ng mga kapatid ni Dr. Jose Rizal na sapul na dumating sa buhay nila itong si Josephine Bracken nagkagulo na ang kanilang pamilya. Maraming namuong mga eskandalo sa kanilang pamilya at maaring siya rin ang may kagagawn ng lahat. Ang sumunod na panayam ay tungkol kay Trining. Isa rin siya sa kaptid na babae ni Dr. Jose Rizal. Sa unang panayam sa kanya ay hindi siya makapaniwala na pnirmahan ni Dr. Jose Rizal ang kasulatan ukol sa retraction. Nakita ang di umano\rquote y retraction noong taong 1922 may nagsasabing isa lamang itong paninira sapagkat bakit umabot ng dalawang dekada bago ito lumabas. 1949 dalawang taon bago pumanaw si Trining ay kumonsulta siya sa isang espiritista ipang kausapin ang kaluluwa ni Dr. Jose Rizal. Noong siya ay nasa Berlin pa lamang ay buo na ang loob ni Dr. Jose Rizal. Ang sumunod na ipinakilala ay ang hesuitang si Padre Balaguer. Sinasabi niyang siya ang testigo sa pagpirma ni Dr. Jose Rizal sa kontrobersyal na \ldblquote I retract with all my heart whatever in my words, writings, publications and conduct has been contrary to my character as son of the Catholic Church. I believe and I confess whatever she teaches and I submit to whatever she demands.\rdblquote May dalawang argumento ang nauukol sa paglaban ni Rizal sa simbahan. Isa ay ang si Rizal ay lumaban sa mga simbahan dahil ito ang ugat ng paghihirap ng mga tao; at pangalawa, may dahilang pampolitika \endash ang simabahan ay ang gobyerno at ang gobyerno ay ang simbahan. Ang isa pa sa kontrobersiya ay ang isyung \lquote Si Rizal ba ay lumaban sa mga Espanyol dahil gusto niyang makamit natin ang kalayaan? O ginawa niya ito dahil gusto niyang siya ang mamumuno sa pagmamalabis ng mga Espanyol?\rquote Pati na ang relasyon ni Rizal kay Bracken ay ginawang kontrobersiya Sinabi rin niya na ang pagbabalik loob ni Dr. Jose Rizal sa pagiging katoliko ay kagustuhan ng Diyos. Sinabi rin niyang sa pagbabalik loob ni Rizal ay hiniling pa nito na maibalik sa kanya ang munting imahe ni Corazon. Sinabi rin niya sa kanyang panayam na dalawang beses nagkumpisal si Rizal sa loob lamang ng ilang oras. Sa aking palagay ay wala itong katotohanan. Hindi naman tanga si Rizal para magpakumpisal ng dalawang beses sa ilang oras lamang. Ano ang magiging dahilan n\rquote ya dun? Dahil ba mas mababaasan daw di umao ang kasalanan kung mangungumpisal ka ng maraming beses? Alam kong alam ni Rizal na ang pangungumpisal ay hindi paramihan. Sapat na sa Diyos na minsan mong pinagsisihan ang iyong kasalanan at ikaw ay nagbabalik loob na sa kanya. Isa pa ay kalaban ni Rizal ang mga prayle. Anong sasabihing mabuti sa iyo ng iyong kaaway. Sa huling bahagi ng pelikula ay ang confrontation kung saan nakasaad na nag-iwan ng liham si Rizal sa isang lampara. Ito ay ang \ldblquote adios patria adorada\rdblquote . Dito nakasulat ang mga habilin ni Rizal. Mayroon din siyang liham na nilagay niya sa kanyang sapatos. Subalit 2 taon pa bago nahukay ang kanyang bangkay at wala na ang liham na sinasabi niya. Ang huling tanong na siyang pinagdidiskusyunan ay kung si Jose Rizal nga ba ang pumirma ng retraction. Ikinasal ba siya kay Josephine Bracken. Sa ganang sa akin mas nakalalamang pa din sa akin na hindi siya sumuko sa mga prayleng iyon hanggang sa huling hininga niya. Sinasabi na nga sa kanyang mga isinulat kung gaano siya katapang. Hindi pa ba sapat iyon para patunayan na hindi siya basta basta sumusuko. Saan mo pa ba makikilala ang isang manunulat? Hindi ba sa kanyang mga sulat? Para sa akin ay hindi siya sumuko. Higit na nabago ng pelikulang Bayaning 3rd world ang aking pananaw tungkol sa ating pamabansang bayani na si Jose Rizal. Simula nung bata pa ako ay naniwala na akong isang napakagaling at napakabait na tao si Rizal. Naniwala akong si Rizal ay namatay na isang Katoliko. Noong napanood ko ang pelikulang Bayaning 3rd World ay nalaman ko ang lahat ng kontrobersiya ukol kay Rizal. Ginusto nga kaya ni Rizal na maging isang bayani? Sa ganang sa akin ay hindi. Sino ba ang maghahangad na mamatay ng walang kalaban-laban.sa gitna ng sankaterbang tao. Huwag na nating pag-usapan ang mga teknikal na aspeto. Isa pang kwentong mahirap paniwalaan ay ang pagkawala ng kontrobersyal na kasulatan ng retraction at ang pagkakakita dito ng isang paring kastila sa archieves ng simbahan. 14 na taon lang naming nawala ang sinasabing dokumento. Hindi pwedeng ma-misplaced yun lalu na kung ganun katagal. Kung susumahin ang nagging pangyayari ay parang himalang bigla na lamang lumitaw ang dokumentong iyon. Bilang mga alagad ng simbahan isa sa kanilang tungkulin ay ingatan ang mga dokumentong katulan niyon. Lalu pa at ito`y pagbabalik loob ng isang naligaw na tupa. Hindi ba? Kahit saang anggulo tingnan, parehong obra maestra ang Bayaning 3rd World nina Mike De Leon at Clodualdo Del Mundo at ang Jos\'e9 Rizal nina Marilou Diaz-Abaya, Ricky Lee, Jun Lana at Peter Ong Lim. Premyado ang cinematography, ang production design, ang pag-arte, at higit sa lahat, ang screenplay at pagdirihe. Kaya mas maganda sigurong pag-usapan ang magkaibang punto de bista ng dalawang pelikula sa Pambansang Bayani ng Pilipinas na italicized na, capitalized pa. Sa kahuli-hulihang yugto ng pelikula ay sumuko na sa pagsasaliksik ng mga gray areas sa buhay ni Rizal ang dalawang filmmakers sapagkat nahihirapan silang ipaghiwalay ang personal na paniniwala sa naitalang kasaysayan ng buhay ni Rizal. Ngunit, ang mga spekulasyon tungkol sa dokyumentong retraksyon ni Rizal ay nananatili sa ating mga isipan. Bakit nga ba Third World ang pamagat ng pelikula? Sapagkat sinasabing marupok o third class lamang ang pagkabayani ni Dr. Jose Rizal. Ang mga pangunahing tauhan sa sinabing pelikula ay sina Joel Torre na gumanap bilang Rizal, Lara Fabregas na gumanap na Josephine Bracken, Cherry Pie Picache bilang Narcisa, Daria Ramirez na gumanap bilang Donya Lolay at sina Ricky Davao at Cris Villanueva bilang mga filmmakers. Sa pelikulang ito naipakita ng mga artista ang tunay na saloobin ng mga karakter na kanilang ginampanan. Ang sinematograpiya ng pelikula ay kahanga-hanga sapagkat kanilang binigyang-buhay muli ang ating kasaysayan habang hinuhukay ang mga sulat at pahayag ng mga mahahalagang tao sa buhay ni Rizal. Ang pelikulang ito ay may kakaibang istilo sa paglalahad ng ating kasaysayan \endash may halong katatawanan at drama, kung kaya\rquote t nakuha ang aking pansin at pagkawili. Sa huli may kanya kanya pa din tayong pagkakakilala kay Rizal. Ngunit kahit ano pa man ang maging kalabasan ng pag\rquote iimbestiga hindi na mababago ang mga nagawa niya sa bayan at kung paanong siya ang nag-silbing ilaw sa lahat ng di makakitang damdamin ng bawat Pilipino. Melodramatic ang Jose Rizal. Huling-huli nito ang lasa ng masang Pilipino. Sa eksena ng huling pagkikita ni Pepe at ng kanyang Nanay, hindi mo na dapat ikahiyang tinablan ka ng drama ng buhay nila. Kung sa Bayaning Third World ay hindi cinematic ang buhay ni Rizal, gamit na gamit dito ang lahat ng telenovelaic devices na gustong-gusto ng Pilipino. Tinatangka namang bigyan ng mas personal na \lquote spin\rquote ng mga gumawa ng Jose Rizal ang tila mythological na tingin natin kay Rizal. Sa ganang akin, hindi rin nila ito na-achieve. Ang dating pa rin sa akin ni Rizal ay isang higanteng may 5\rquote 3\rdblquote ang taas na nakapagpabagsak ng isang imperyo sa pamamagitan ng pagsulat lamang. Maganda ang layunin nila, pero hindi ko maramdamang puwede akong makipaglokohan kay Rizal, \lquote yung tipong puwede ko siyang tawagan sa telepono at yayain siyang makipagdiskusyunan tungkol sa Meteor Garden.Nagustuhan ko sa Bayaning third World na para itong paglilitis. Isa-isang dadalawin ng mga filmmakers ang mga tao sa buhay ni Rizal, na iba-iba rin ang pagtingin sa kanya. Sa huli ay hindi na nila maiiwasang kausapin si Rizal mismo, at si Rizal din mismo ang magagalit sa kanila dahil hindi nila siya ma-gets. Sa kaibuturan, pelikula ng kung paano gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Rizal ang B3W. Sa maraming brainstorming at pag-aaway na pagdadaanan ng dalawang filmmakers, iisa lang ang pagkakasunduan nila: hindi magandang materyal ang pelikula ng bayani, hindi cinematic. Kahit pa nga raw isama ang pagiging matinik nito sa mga babae. Aba, sasabihin pa nila, mas maganda pa yatang isapelikula ang buhay ng uliran niyang ina. At least si Donya Loleng, pinagbintangan ng tangkang pagpatay at ipinalakad nang malayo papunta sa pagkukulungan nito. \par
V. Pagpapalawak ng Kaalaman: 1. Bakit tinawag na indio ang mga Pilipino? Sa paningin ng mga espanyol ay mas nakatataas sila sa atin kung kaya\rquote t tinawag nila tayong indio. Ang turing nila sa lahing Pilipino ay mga alipin lamang at mga mangmang. Lingid sa kaalaman ng iba, ang salitang indio ay katumbas ng salitang idiot sa ingles o sa Filipino ay ang katumbas nito ay unggoy, o isang mababang uri o lahi ng tao. Hindi ba\rquote t napakalaking insulto sa bawat Pilipino at lahi natin agn tawaging ganito? Ngunit sa kabila nito ay naging inspirasyon ito n gating mga bayani upang patunayan sa buong mundo na hindi karapat dapat na tawagin tayong indio. 2.Sino Si Josephine Bracken? Si Josephine Bracken ay isang banyaga na galling sa estados unidos. May usap-usapan na siya ay isang mananayaw sa isang club sa Hongkong. Isang palaisipan hanggang sa ngayon kung minahal ba talaga ni Josephine si Rizal o isa lamang siyang espiya ng mga prayle na pinadala sa Dapitan kung saan ipinatapon si Rizal. Upang papayagin o hikayatin si Rizal na itgil na nito ang paninira sa simbahang katoliko. Hinikayat din niya si Rizal na magpakasal sa kanya ngunit hindi ito magawa ni Rizal sapagkat siya ay itinuturing na erehe ng simbahang katoliko o isang taong kumakalaban sa simbahan. 3. Sino / Ano Si Rizal? Sa pagtuntong ko pa lamang sa Elementarya ay nakilala ko na si Dr. Jose Rizal. Makikita mo siya sa piso kung kaya\rquote t siguradong pamilyar saiyo ang kanyang pangalan. Kilala siya ng bawat Pilipino matanda man o bata. Ngunit ang karamihan sa atin ay kilala lamang siya sa pangalan. Lingid sa kaalaman ng marami ang tunay na pagkatao ni Dr. Jose Rizal hindi lamang bilang isang bayani kundi bilang isang anak na nagmamahal ng lubos sa kanyang ina, na inalay ang karunungan at disiplina upang maibalik ang paningin na nawala sa kanyang ina, bilang isang kapatid at kung paano siya nakisalamuha sa kanila, bilang isang kaibigan at kung paano niya pinahahalagahan ang pagmamahal at pakikisama ng isang kaibigan at higit sa lahat bilang isang mang-iibig,isang mapagmahal ngunit sa ibang kadahilanan ay nabansagang babero. 4. Kailan Pinatay Si Rizal? Ika-30 ng Disyembre 1896 ay binaril siya sa bagong bayan na ngayon ay Luneta Park. Ang pagkamatay niya na ito aynagsilbing mitsa upang umusbong ang nagliliwanag na damdaming makabayan ng mga Pilipino. Matapos ang kanyang kamatayan ay nagsimula ang himagsikan sa halos lahat ng parte ng bansa. 5. Anong naging parte ni Padre Balaguer sa pagkamatay ni Jose Rizal? Isa si Padre Balaguer sa may mga kinalaman sa pagkamatay ni Dr.Jose Rizal. Siya ay isa sa naghatol sa kanya ng kamatayan. Sinasabi rin niya na siya ang nagkasal kay Dr.Jose Rizal at Josephine Bracken isang araw matpos na barilin si Dr.Jose Rizal sa bagong bayan. \par
1. Ano ang pangalan ng nakakatandang kapatid na lalaki ni Dr.Jose Rizal? A. Paciano B.Protacio C.Pepe 2. Ano ang bansag kay Dr.Jose Rizal ng siya ay bata pa? A. Pepito B.Pepe C.Pido 3.Ilang taon na si Rizal ng bumalik siya galing sa Dapitan? A.31 B.32 C.33 4.Anong taon unang isinapelikula ang buhay ni Rizal? A. 1890 B.1891 C.1892 5.Anong produkto nagging trademark ang pangalan ni Dr.Jose Rizal? A. Shampoo B.Sabon C.Deodorant 6.Ano ang panglan ng huling kasintahan ni Rizal? A. Josephine B.Josie C.Joy 7.Saan unibersidad pumasok si Rizal? A. Madrid B.Germany C.Italy \par
8. Anung taon kumonsulta si Trining sa isang espiritista upang kausapin ang kaluluwa ni Rizal? A. 1948 B.1949 C.1950 9.Ano ang tawag ng mga Espanyol sa mga Pilipino? A. Indian B.Indio C.Hindo 10.Anong taon ang huling panayam kay Trining? A. 1850 B.1849 C.1841 11.Anong sulat ang inilagay ni Rizal ang inilagay niya sa lampara? A. Mi ultimo Adios B.Adios patria Adorada C.Huling hiling 12.Sino ang gumanap Bilang Rizal? A. Joel Torre B.Ricky Davao C.Ceasar Montano 13.Anong oras pinatay si Rizal? A. 4pm B.5pm C.6pm 14.Saan ipinatapon si Rizal at nakatagpo si Josephine? A. Cavite B.Laguna C.Dapitan 15.Anong taon namatay si Trining? A. 1949 B.1950 C.1951 16.Sino ang gumanap na Trinidad? A. Rio locsin B.Angel Locsin C.Cherry Pie 17. Sinong Prayle ang nagkasal kina Rizal at Josephine? A. Padre Burgos B.Padre Balaguer C.Padre Damaso 18.Sino ang gumanap na Josephine Bracken? A. Rio locsin B.Angel Locsin C.Lara Fabrigas 19.Sino ang gumanap na Dona Lolay? A. Rio locsin B. Daria Ramirez C.Cherry Pie 20.Anong taon hinukay ang bangkay ni Rizal? A. 1898 B. 1899 C.1897 21. Saan inilagay ni Rizal ang isang kontrobersyal na sulat na hindi na natagpuan pa? A. Sapatos B. Medyas C.Damit 22.Ano ang pangalan ng ina ni Rizal? A. Do\'f1a Lolay B. Do\'f1a Lolita C. Do\'f1a Loly 23.Saan Binaril Si Rizal? A. Luneta B. Araneta C.Monumento 24.Sa anong salapi ng Pilipinas matatagpuan ang mukha ni Rizal? A.Piso B.Limang Piso C.Sampung Piso 25.Anong petsa ibinaba ang hatol na kamatayan kay Rizal? A. December 28 1896 B. December 27 1896 C. December 26 1896 \par
II. TALASALITAAN: 1. Iskandalo \endash usap-usapan 2. Habilin \endash kautusan 3. Huwad \endash peke 4. Edukado \endash nakapag-aral 5. Kulto \endash relihiyon 6. Santo \endash banal 7. Imbestigasyon \endash pagsusuri 8. Himagsikan \endash pag-aaklas 9. Sangkot \endash damay 10. Dokumento \endash kasulatan 11. Ulyanin \endash makakalimutin dahil sa katandaan 12. Baluktot na katwiran \endash maling paninindigan 13. Madrasta \endash ikalawang ina 14. Malimit \endash madalas 15. Katedral \endash simbahan 16. Inaruga \endash inalagaan 17. Batid \endash alam 18. Naglaho- nawala 19. Napabayaan \endash nakalimutan 20. Nakakabanas \endash nakakainis 21. Binalak \endash pinaghandaa 22. Bapor \endash barko 23. Kalayaan \endash kaligtasan 24. Kamangmangan \endash katangahan 25. Puno`t dulo \endash pinagmulan 26. Espiya \endash mata ng kalaban 27. Taksil - traydor 28. Marahas \endash madugo 29. Magbunga \endash magdulot 30. Sumang-ayon \endash pumayag 31. Kilusan \endash rebelde 32. Pandangal \endash pinuno 33. Kopya \endash duplika 34. Spekulasyon - haka-haka 35. Paglilitis \endash paghuhukom 36. Karangalan \endash dangal 37. Dungis \endash dumi 38. Kotyum- damit 39. Postura \endash nakaayos 40. Hinanap \endash tinungo 41. Hinarap- nilabanan 42. Itinakda- tadhana 43. Mababago \endash maiiba 44. Bilib \endash hanga 45. Mananatili \endash maiiwan 46. Binabagabag \endash ginugulo 47. Konsensya \endash budhi 48. Delubyo \endash kamalasan 49. Natupad \endash nagtagumpay 50. Gray areas \endash di maipaliwanag \f1\fs24\par
\pard\f2\fs20\par

sample1.jpg